Dahil na rin sa malaking pagbabago sa uri ng pamumuhay ng mga Pilipino sa ngayon at sa hinaharap, ang mga eksperto mula sa Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology (FNRI-DOST) ay walang humpay sa pagbibigay impormasyon at pagpapaalala sa mga mamamayan ng kabutihang dulot sa katawan ng wastong pagkain at pag-eehersisyo. Ang mga piling artikulong ito ay isinulat upang makamit ang misyong itinataguyod ng FNRI-DOST tungo sa malusog at maligayang mamamayang Pilipino. (Joy M. Lazcano)