ISANG Barangay Chairman ng Autonomous Region for Muslim Mindanao ang naaresto kamakailan gayundin ang isang ‘narco-politician’ sa isang ‘drug buy-bust operation’ ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sa kabilang dako, ang isinagawang operasyon nang magkanib na puwersa ng PDEA Metro Manila Regional Office (MMRO) at ng Area Task Group-Bravp (ATG-B) noong Disyembre 9 bandang alas-4 ng hapon sa isang ‘parking lot’ ng Trinoma Mall sa Barangay Pag-Asa, Lungsod ng Quezon ay nagresulta ng pagkakahuli ni Pangalian Sarib Barao alyas Abdul na bagong halal na Kagawad sa Cabayuan, Buldon, Maguindanao subalit kasalukuyang naninirahan sa Gunao Street, Quiapo, Maynila. Natagpuan sa kanya ang dalawang (2) ‘sachet’ ng shabu na ibinalot pa sa dyaryo at selyado ng ‘packing tape’ at ng isang (1) Isang Libong Piso at ‘boodle money’.
Dito lamang pinatutunayan ng PDEA na maging opisyal ng barangay ay napasok na ng sindikato ng droga ganunpaman hindi titigil ang PDEA sa pagmamatyag at paghuli sa mga aktibidad ng mga suspek na pawang mga pulitiko.
Babala ng PDEA Chief na walang kinikilingan ang kanilang ahensya maging sila man ay pulitiko basta’t sila ay nauugnay, kabilang at nagsasagawa ng illegal na aktibidad ng droga dahil batas ang kanilang paiiralin.
-30-