Feature Articles:

DONASYON O BENTAHAN NG KIDNEY, PINOY ANG DAPAT UNAHIN BATAS NG “ORGAN DONATION” PAG ARALAN MULI-PMA

KAHIRAPAN pa rin ang dahilan kung bakit patuloy na namamatay ang maraming Pilipino na nasa huling bahagdan ng sakit sa kidney dahil tinatayang 32 pasyente ang namatay sa pag-asang darating isang araw ang hinihintay nilang donasyong kidney upang madugtungan ang kanilang buhay.

Sa isang ‘forum’ na regular na isinasagawa tuwing Huwebes ng umaga ng pamunuan ng Liga ng mga Brodkaster ng Pilipinas sa Hotel Rembrant ay nanawagan si Dr. Arthur T. Catli, Executive Director ng Philippine Medical Association (PMA) sa pamahalaan na dapat nang pag-aralang muli ang polisiya hinggil sa isyu ng pagbibigay ng bahagi ng lamang loob ng tao o ‘organ donation’.

Ayon kay Dr. Catli, sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) pa lamang umano ay marami nang namamatay na pasyente na may mga malulubhang sakit sa kidney mula pa noong taong 2007 at tinatayang sa kasalukuyan ay nasa 570 ang natalagang pasyente na nasa ‘End Stage Renal Disease (ESRD) ang napakatagal nang naghihintay na maisagawa ang ‘kidney transplant’. 20 na ESRD ang nasa listahan na pawang nanatili sa mga kilalang ospital sa Kamaynilaan maliban pa sa dagdag na 15 nakatala sa pribadong organisasyon bumibili ng organ.

Binanggit din ni Dok Art na katunayan umano ng hindi maapulang pagtaas ng bilang ng mga nangangailangan ng kidney kabilang ang rehiyon ng Visayas at Mindanao maliban pa sa malayo ang Maynila at hindi uubrang magbiyahe ng napakatagal kung kaya pinayagang magkaroon ng pagtataga sa lalawigan ng Cebu.

Sa pinakahuling istatistika ay nasa 300 daang katao sa inaasahang kabuuang 500 Pilipino ang kinakailangan ang ‘kidney transplant’ sa bawat taon. Maliban sa NKTI ay may iba pa ring pribadong hospital ang nagsasagawa nito kung kaya’t ang problema ng kakulangan ng mga donasyong organ ay hindi madaling malutas. Hiwalay pa aniya ditto ang 12,000 ‘dialysis patients’ at kalahati nito ang posibilidad sa ‘kidney transplant’. Kung susumahin ani Catli na ang 6,000 pasyente na dapat mapalitan ng kidney sa bansa at kulang sa 500 kidney lamang ang nakukuha sa isang taon ay lumalabas na 8 posiyento lamang ang nabibiyayaan.

Sa kasamaang palad, ilang mga pribadong hospital na nagsasagawa ng ‘kidney transplant’ ay mas kinakatigan ang pagbibigay sa mga dayuhan dahil higit na malaking kabayaran at insentibo ang napapakinabangan hindi lamang ng hospital kundi maging nang nagkaloob ng kidney.

Kaya’t ang PMA ay nagsusulong na gumawa ng mga hakbang, proseso o batas upang hindi maabuso ang pagkakaloob ng organ na puwedeng ikonsidera tulad ng mahigpit na pagmamatyag at pagpapatupad ng batas ng Department of Health (DOH) sa pakikipagtulungan ng probadong sector, ang pagpapatanggal ng mga ‘organ brokers’, isang ‘government regulated system’ para sa mga ‘donor recruitement’ at pantay na pagkakaloob sa mga pribado at relihiyong sector, pagsasama-sama ng pamahalaan, pribado at relihiyong sector sa pagpapatakbo ng ‘post-donation follow-up’ ng mga nag-‘donate’ at panghuli ay aktibong pangangampanya para sa pagpapabuti ng ‘emergency medical services’ (EMS) sa bansa kaugnay sa mga kamamatay o namatay na pasyente ngunit maaari pang pakinabangan ang organ, ‘brain dead, o sadyang naghandog ng kanyang laman loob.

Mahigpit na tinututulan ng PMA ang pag-abuso sa ipinagkaloob ng pamahalaan nang laya sa batas ng pagkakaloob ng organ gayong ilan sa mga ‘donors’ na ito ay nagpapanggap na sila ay biktima. Sa iniwang pananalita ni PMA Executive Director Arthur Catli kung sino nga ba ang tunay na biktima, ang naghihintay ng bagong kidney mula sa ibang tao na tiyak ang kamatayang naghihintay kapag hindi napalitan o ang mga taong nagbibigay ng kidney kusang-loob man o binayaran? -30- (Cathy Cruz)

Latest

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Boosting Immunity Through Nutrition: Expert Advice from Herbalife’s Dr. David Heber

As the Philippines enters another rainy season, a leading...

All Aboard for Magic: Disney Adventure Unveils First-Ever Retail Wonders at Sea

SINGAPORE — When the Disney Adventure sets sail from...

CCWI to Enforce Tougher Sanctions Under New Procurement Law Against Errant Contractors

Crimes Corruption Watch International (CCWI) has announced its intent...
spot_imgspot_img

OFW Families Cry Foul: Why were Gov’t Officials airlifted first when tensions between Israel and Iran escalated into full-scale bombings?

Concerns over the safety and welfare of overseas Filipino workers (OFWs) in the Middle East continue to grow– particularly after it was revealed that...

Marvel Heroes Set Sail: Disney Cruise Line and Marvel Comics Launch Exclusive Comic for Disney Adventure Voyages

Singapore — Superheroes are taking to the seas as Disney Cruise Line and Marvel Comics officially unveiled an exclusive comic book created especially for...

Boosting Immunity Through Nutrition: Expert Advice from Herbalife’s Dr. David Heber

As the Philippines enters another rainy season, a leading nutrition expert urges Filipinos to take control of their immune health—starting with their plates. Manila, Philippines...