Feature Articles:

Mga magsasaka ng palay lubog sa utang dahil sa mababang presyo at laki ng gastos

Nanawagan ang Integrated Rural Development Foundation (IRDF) na ibasura...

Krisis sa bigas at kawalan ng suporta sa magsasaka ang dapat pagtuunan ng gobyerno

Tinalakay ng grupo ng magsasaka ang mga batas at...

OASIS PLAN para sa Palestina at Israel

Noong Hulyo 21, 2025, inilabas ng Schiller Institute ang...

MATINDING KAMPANYA NG BARANGAY PAYATAS KONTRA DENGUE

KALINISAN pa rin ang sagot upang mapigil ang dumaraming biktima ng Dengue sa bansa, yan ang sinabi ng masipag na Barangay Captain ng Payatas na si Gng. Rosario Dadulo.

Kilala ang Payatas bilang tapunan ng basura subalit kataka-takang ang naturang barangay ay walang rehistro ng mga namamatay dahil sa dengue. Si Kapitan Dadulo sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos sa kanya ng iilan ay hindi maitatatwa ang resulta ng mga magagandang adhikain para sa kanyang barangay. Katwiran ni Kapitana kailanman ay taas noon sya at kayang humarap sinuman dahil kailanman ang kanyang pamamahalang ginagawa ay pawang tuon sa kabutihan at katagumpayan ng Payatas.

Katulad ng suliranin ng bansa sa dengue, tanging susi nya ay ang puspusan at walang humpay na kampanya ng paglilinis sa kabuuan ng Barangay Payatas gayundin ang pagbibigay ng kaalaman sa mga residente na tipunin ang basura ng maayos at paghihiwa-hiwalay ito. Malaking bagay ang pagbibigay kaalaman hinggil sa Republic Act 9003 “An Act Providing For An Ecological Solid Waste Management Program, Creating The Necessary Institutional Mechanisms and Incentives, Declaring Certain Acts Prohibited and Providing Penalties, Appropriating Funds Therefor, And For Other Purposes”

Ang Barangay Payatas ay may labing dalawang (12) trak ng basura na pag-aari na ng Barangay Payatas na sa tuwina ay umiikot sa buong barangay upang maitapon sa tama ang basura at hindi naiimbak sa kakalsadahan at kapaligiran na posibleng maging sanhi ng pagkakasakit at pagbabara ng mga kanal.

Kaugnay sa kampanya kontra dengue, ang Barangay Payatas ay nagsasagawa rin ng ‘larvacidal spraying’ sa bawat kabahayan sa buong Payatas at pagkuha ng mga nakakalat o nakatambak na sirang gulong. Ang mga natipon naman na mga tirang pagkain galing sa kusina ng mga sambahayan sa barangay ay ginagamit ding pataba upang tuloy-tuloy na maisulong ang pagtatanim ng mga ‘herbal plants’ at gulay.

Binanggit din ng mabuting ina ng Barangay Payatas na anuman ang gawin nya upang maiangat ang estado ng pamumuhay, mapaganda at mailagay sa mabuti ang kanilang lugar ay hindi pa rin magiging matagumpay kung walang pakikiisa at pagtangkilik ang mga residente at nasa sarili rin aniya ang pagsisimula ng pagbabago.

Sa darating na ika-11 ng Oktubre ay isa na namang katuparan ng kanyang mga pangarap para sa kanyang barangay ang magaganap kasabay ng kanyang kaarawan at yan ay ang pagpapasinaya ng Barangay Hall sa Bulacan Hills Street, Group 3.#

Latest

Mga magsasaka ng palay lubog sa utang dahil sa mababang presyo at laki ng gastos

Nanawagan ang Integrated Rural Development Foundation (IRDF) na ibasura...

Krisis sa bigas at kawalan ng suporta sa magsasaka ang dapat pagtuunan ng gobyerno

Tinalakay ng grupo ng magsasaka ang mga batas at...

OASIS PLAN para sa Palestina at Israel

Noong Hulyo 21, 2025, inilabas ng Schiller Institute ang...

Korte Suprema: Impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte, labag sa Konstitusyon

Idineklara ng Korte Suprema ngayong araw na labag sa...

Newsletter

spot_img
spot_img

Don't miss

Mayor Vico Sotto, nangunguna sa maagang 2028 Senatorial Survey

Maaaring Makapagtala ng Higit 30 Milyong Boto Sa pinakabagong resulta...
spot_imgspot_img

Mga magsasaka ng palay lubog sa utang dahil sa mababang presyo at laki ng gastos

Nanawagan ang Integrated Rural Development Foundation (IRDF) na ibasura ang Rice Tarrification Law (RTL) dahil nagdulot umano ito ng malawakang paghihirap sa mga magsasaka...

Krisis sa bigas at kawalan ng suporta sa magsasaka ang dapat pagtuunan ng gobyerno

Tinalakay ng grupo ng magsasaka ang mga batas at polisiya na nagdulot ng matinding krisis sa sektor ng agrikultura, partikular sa mga magsasaka ng...

OASIS PLAN para sa Palestina at Israel

Noong Hulyo 21, 2025, inilabas ng Schiller Institute ang pahayag ukol sa darating na pandaigdigang kumperensiya sa Hulyo 28–29 na pangungunahan ng France at...